MENU

Nais po naming ipaalam sa ating mga kababayan sa hilagang Italya na ayon sa Securities and Exchange Commission (SEC), Ang Paysmart LimitedPhilippines (PAYSMART) ay hindi rehistrado bilang isang kompanya at wala itong lisensya at hindi ito awtorisadong mag- solicit ng mga investments mula sa publiko alinsunod sa Section 8 ng Securities Regulation Code ng Pilipinas.


Kalakip po ang abiso ng SEC hinggil dito para sa inyong impormasyon at gabay


Nais din po naming paalahananang ating mga kababayan na laging maging maingat upang hindi mawala ang pera at mahalagang personal na pag-aari at dokumento, tulad ng pasaporte, habang namamasyal o sumasakay sa pampublikong mga sasakyan.


Sa panahong dumarami ang mga turista dito sa Italya, tumataas din ang insidente ng pandurukot na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng dobleng pagiingat.
Mangyari po lamang na paalalahanan din ang ating kamag-anak at kaibigan na namamasyal dito sa Italya na maging maingat lagi sa kanilang mga dala-dalang dokumento, pera at iba pang pag aari.