A N U N S Y O
Ang Philippine Embassy ay nais ipabatid na ang Calidad Humana ay may isinasagawang paligsahan na pinamagatang Calidad Humana- Kapwa Charter Making Competition. Ang Calidad Humana ay positibo na nakatutulong sa pakikitungo sa kapwa na di tinitingnan and pagkakaiba ng bawat isa at nagbibigay ng prioridad sa tao sa halip na mga materyal na bagay.
Ang mga nais lumahok sa kumpetisyon ay iniimbitahan na magmungkahi ng hanggang sa tatlong (3) kaugalian na dapat tularan at sundin sa pang araw-araw ng bawat tao sa Pilipinas at sa buong mundo upang mapanatili ang espiritu ng Calidad Humana at ang kulturang Kapwa. Ang mga mungkahi ay dapat gawin sa isang praktikal at konkretong paraan.
Ang mga pamantayan para sa paghuhusga ay ang mga sumusunod: Piniling Kaugalian (50%); Paliwanag - Isang maikling paglalarawan ng mga pag-uugali at pagbibigay katarungan sa pagpili ng naturang pag-uugali (30%); at epekto (20%).
Ang kumpetisyon ay bukas sa lahat ng Pilipino at sa mga may mga lahing Pilipino. Hinihikayat lalo ang mga kabataan na sumali sa naturang paligsahan, na syang maaasahang magiging pinaka-aktibong sektor sa hamon na ito. Ang lahat ng sasali ay mangyari lang na isumite, kasama ang kumpletong pangalan at mga detalye ng interesadong partido o indibidwal, sa sumusunod:
GLOBAL PEACE FOUNDATION PHILIPPINES
Via Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
Via Mail: 205 Cedar Executive Building II, 26 Scout Tobias corner Timor
Avenue, 1130 Quezon City, Philippines
Via Fax: (632) 351- 76 52
Ang lahat ng mga interesadong sumali ay maaaring gamitin ang aklat na pinamagatang Calidad Humana: Sharing the Filipino Spirit bilang sangguni. Ang mga bahagi ng aklat ay matutunghayan sa website na LopezLink.ph. Ang huling araw ng pagpapadala ng mga lahok ay sa ika-31 ng Mayo 2016.
Para sa gabay at iba pang detalye ng kumpetisyon, mangyaring bisitahin ang website sa link na ito: http://www.globalpeacephilippines.org/Global_Peace_Foundation___Calidad_Humana_Kapwa_Charter_Making_Competition.html
A N N O U N C E M E N T
The Philippine Embassy is pleased to announce that Calidad Humana is holding a contest entitled Calidad Humana- Kapwa Charter Making Competition. Calidad Humana is a positive and constructive attitude towards others beyond any kind of differences, giving priority to concern for people than to material things.
Participants of the competition are invited to suggest up to three (3) behaviors that people in the Philippines and around the world should practice daily in order to preserve the spirit of Calidad Humana and the Kapwa Culture. Suggestions must be done in a practical and concrete way more than only theoretic and abstract.
The criteria for judging are as follows: Behavior Chosen (50%); Explanation – A short description of the behavior and justification on choosing such behavior (30%); and impact (20%).
The competition is open to all Filipinos and those of Filipino ancestry. The contest most especially targets the youth, who will be the most active sector in this challenge. All entries will be submitted, along with the complete name and contact details of the interested party/individual, to the following:
GLOBAL PEACE FOUNDATION PHILIPPINES
Via Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
Via Mail: 205 Cedar Executive Building II, 26 Scout Tobias corner Timor
Avenue, 1130 Quezon City, Philippines
Via Fax: (632) 351- 76 52
All interested parties can use the book entitled, Calida Humana: Sharing the Filipino Spirit as reference. Portions of the book are available online via the website Lopezlink.ph under the Lopez Museum Page. Deadline for the submission of entries is on 31 May 2016.
For guidance and further details of the competition, please visit the website which may be found at this link: http://www.globalpeacephilippines.org/Global_Peace_Foundation_Calidad_Humana_Kapwa_Charter_Making_Competition.html