Lahat ng mga Pilipino sa Poland ay inaanyayahan ng Embahada ng Pilipinas sa Pulong-Bayan: Isyu ng Human Trafficking” na gaganapin sa Embahada sa Linggo, ika-4 ng Oktubre 2015. Ang sumusunod ay palatuntunan sa gaganaping Pulong-Bayan:
11:00 – 11:45 – Misa
11:45 – 12:45 – Pulong-Bayan: Isyu ng Human Trafficking
12:45 – Simpleng salu salo/kainan
Tatalakayin sa pulong-bayan ang kahulugan sa human trafficking ayon sa batas ng Pilipinas, mga indikasyon nito, at mga hakbang na dapat gawin ng isang biktima ng human trafficking o ng isang naakasaksi ng sitwasyon na ito.
Sina Consul Maria Alnee A. Gamble at Attache Evelyn L. Vega ay magbibigay ng presentasyon tungkol sa paksang ito at sasagot sa anumang katanungan.
Layunin ng Embahada na palawakin ang kaalaman at pag-unawa ng ating komunidad tungkol sa isyu ng human trafficking upang makatulong sa pagsugpo nito at mailigtas ang sinumang biktima nito.
Ipinapaalaala po namin sa mga miyembro ng Filipino community na mag-email o tumawag sa Embassy upang ipaalam ang kanilang pagdalo dahil sa mayroon pong munting salu salo/kainan.
Ang mga nais na lumahok sa Pulong-bayan ay hinihiling na mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o tumawag sa 22-4902025 upang mag-register. Ang deadline po ng pagpaparehistro ay sa Huwebes, ika-1 ng Oktubre, alas-kwatro ng hapon.
Maraming salamat po.
“COMMUNITY FORUM: ISSUE OF HUMAN TRAFFICKING” AT THE PHILIPPINE EMBASSY ON 04 OCTOBER 2015
The Philippine Embassy in Warsaw is inviting all the members of the Filipino community in Poland to the “Community Forum: Issue of Human Trafficking on Sunday, 04 October 2015. The following is the program for the Community Forum:
11:00 – 11:45 – Celebration of a mass
11:45 – 12:45 – Community Forum: Issue of Human Trafficking
12:45 – – Lunch
The forum will focus on the definition of human trafficking, its manifestations and indications, and steps or measures which must be taken by any victim of human trafficking or by anyone who has witnessed a human trafficking situation.
Consul Maria Alnee A. Gamble and Attache Evelyn L. Vega will be the main speakers during the forum and will answer questions from the audience.
The Embassy’s objective in holding this forum is to increase the community’s knowledge and understanding of the issue of human trafficking to put an end to this modern-day form of slavery and to assist and empower victims of human trafficking.
Since lunch and refreshments will be served, those who will attend are urgently requested to INFORM THE EMBASSY by sending email through This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. or to call +48 22 490 2025 NOT LATER THAN THURSDAY, 01 OCTOBER 2015 AT 5:00 P.M.
Thank you very much.